Back

Sherwin Culubong

1:37
Politics

PBBM, handang bigyan ng proteksyon ang mag-asawang Discaya sakaling mag-qualify bilang State Witness

September 10, 2025 8:15 AM
PST

Handa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ng proteksyon ang mag-asawang Discaya sa gitna ng kanilang nalalaman sa mga umano’y iregularidad sa pagpapatupad ng infrastructure projects ng gobyerno.

Kabilang ito sa naging pahayag ng Pangulo sa Cambodia bago siya bumalik ng Pilipinas matapos ang kaniyang ilang araw na state visit.

1:27
Politics

Contractors na patuloy na hindi magbabayad ng buwis sa Maynila, planong kasuhan ni Mayor Isko

September 9, 2025 9:13 AM
PST

Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno na hahabulin ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga kontratistang hindi nagbabayad ng buwis.

Aniya, nasa halos 100 na mga kumpanya na may hawak ng flood control projects sa Maynila ang hindi nagbayad ng tamang buwis, kabilang na dito ang ilang kumpanya ng mga Discaya.

1:00
Politics

Confirmation of Charges ni FPRRD sa ICC, hindi tuloy sa Sept. 23

September 9, 2025 8:31 AM
PST

Hindi tuloy ang confirmation of charges ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC sa darating na September 23.

Ayon sa pahayag na inilabas ng ICC kahapon, September 8, ito ay kasunod ng paghiling ng kampo ng dating pangulo na indefinite adjournment dahil hindi umano kayang humarap ni FPRRD sa paglilitis.

1:47
Politics

Discaya couple, planong kasuhan ng mga kongresista

September 9, 2025 8:28 AM
PST

Balak magsampa ng kaso ng ilang kongresista laban sa mga Discaya dahil sa pagdawit ng mga ito sa kanila sa kontrobersya at umano’y paninira sa kanilang reputasyon.

0:56
Politics

Sen. Ping Lacson, magiging bagong chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ayon kay SP Tito Sotto

September 9, 2025 8:27 AM
PST

Kinumpirma ng bagong Senate President na si Senator Vicente Tito Sotto na papalitan ni Senador Panfilo Lacson si Senador Rodante Marcoleta bilang Chair ng Blue Ribbon Committee.

Paliwanag ni Sotto, hindi miyembro ng majority si Marcoleta, kaya’t ang posisyon ay ibibigay kay Lacson.