Back

Sherwin Culubong

1:22
Politics

OVP, iginiit na tinanggihan ng Kamara ang delegasyon nila sa budget hearing noong Sept. 12

September 15, 2025 9:18 AM
PST

Iginiit ng Office of the Vice President na hindi totoo ang mga ulat na sinabotahe o hindi nila sinipot ang budget hearing sa Kamara noong nakaraang Biyernes.

Ayon sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, handa silang humarap noong Biyernes, September 12, sa House Committee on Appropriations.

Ngunit, anila, ang House of Representatives mismo ang tumanggi na tanggapin ang kanilang delegasyon.

0:51
Politics

Gabriela, papasok sa listahan ng mga nanalong party-list — Comelec

September 15, 2025 9:16 AM
PST

Papasok bilang 64th party-list ang Gabriela Women’s Party, ayon sa Commission on Elections.

Kasunod ito ng anunsyo ng poll body na nagkaroon ng adjustment sa ipo-proklamang party-list mula sa midterm elections noong Mayo upang maabot ang tamang percentage na kinakailangan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

0:43
Politics

AFP, naka-‘red alert’ status kaugnay ng protesta sa flood control projects

September 15, 2025 9:12 AM
PST

Naka-red alert status ang Armed Forces of the Philippines o AFP dahil sa mga protesta kaugnay ng umano'y korapsyon sa mga flood control projects.

1:38
Politics

Bilang ng NCAP violators, bumababa na – MMDA

September 11, 2025 10:34 AM
PST

Napapansin ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na bumababa na ang bilang ng violators ng No Contact Apprehension Policy o NCAP.

Samantala, nag-ikot na kahapon ang bagong grupo ng MMDA na STAG o ang Swift Traffic Action Group na pinangungunahan ni retired Col. Edison ‘Bong’ Nebrija para manghuli ng mga traffic violator.

1:24
Politics

Campaign donor ni Sen. Chiz Escudero noong 2022 elections, pagpapaliwanagin ng COMELEC

September 11, 2025 10:33 AM
PST

Padadalhan ng show cause order ng Commission on Elections o COMELEC si Lawrence Lubiano, ang kontraktor na umaming nagbigay ng donasyon kay Sen. Francis 'Chiz' Escudero noong 2022 National and Local Elections.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, batay sa Statement of Contributions and Expenditures o SOCE ni Sen. Escudero, P30 million pesos ang ibinigay sa kanya ni Lubiano noong 2022 elections.