Back

Sherwin Culubong

1:00
Politics

Pagsauli ng pera ng Discaya para maging State Witness, wala sa batas — Sen. Marcoleta

September 16, 2025 10:13 AM
PST

Tinutulan din ni Sen. Rodante Marcoleta ang katuwiran ni Justice Sec. Crispin Remulla sa hindi pagsasailalim sa mga Discaya sa Witness Protection Program o WPP.

Partikular ito sa restitution o pagsasauli muna ng mga Discaya ng mga nakuha nitong pera sa pamahalaan bago gawing state witness.

1:18
Politics

Senators Estrada at Villanueva, inihayag ang pagpayag na pumirma sa bank waiver

September 16, 2025 10:07 AM
PST

Handang pumirma ng anumang waiver sina Sen. Jinggoy Estrada at si Senate Deputy Minority Leader Joel Villanueva para buksan ang kanilang bank accounts.

Ito ang inihayag ng dalawang senador matapos masangkot ang kanilang pangalan sa umano’y anomalya sa flood control projects.

1:05
Politics

PBBM sa contractors: Iayos ang nasirang flood control projects "out of your own pocket"

September 16, 2025 10:03 AM
PST

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapanagot ang mga may sala sa flood control projects at makumpleto ang mga hindi pa natatapos na mga proyekto.

Aniya, dahil may warranty ang lahat ng government projects, puwede pang singilin ang mga mapatutunayang gumagawa ng mga anomalya at ipatapos ang mga substandard na proyekto.

1:00
No items found.

World boxing champion Ricky Hatton, pumanaw na sa edad na 46

September 15, 2025 10:12 AM
PST

Pumanaw na ang former British world boxing champion na si Ricky Hatton sa edad na 46.

Ayon sa report ng Greater Manchester Police, natagpuan ang kaniyang labi sa kaniyang address sa Hyde, North West England nitong Linggo.

0:45
Politics

Transport strike, isasagawa ng PISTON sa September 18

September 15, 2025 10:00 AM
PST

Magsasagawa ng nationwide transport strike ang grupong PISTON sa September 18, araw ng Huwebes.

Ayon sa grupo, kaugnay ito ng mga umano'y nangyayaring korapsyon sa gobyerno.