
Tatlong Chinese Coast Guard vessel ang na-monitor ng Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Batanes.
Dahil dito, nag-deploy na ng eroplano ang PCG para i-monitor at alamin ang pakay ng mga Chinese vessel sa lugar.

Apat pang indibidwal na umano’y sangkot sa pagnanakaw ng mga kawad ng kuryente sa gitna ng sunog noong Miyerkules sa Tondo, Maynila ang inimbitahan ng pulisya.
Ayon sa Philippine National Police, nakipag-ugnayan na sila sa mga opisyal ng barangay at magulang ng mga suspek upang pagpaliwanagin ang mga ito sa insidente.

Isang pinaghihinalaang underwater drone ang narekober ng mga lokal na mangingisda sa karagatang sakop ng Bolinao, Pangasinan.
Sa ngayon ay nai-surrender na ito sa Philippine Coast Guard para sa isasagawang pagsusuri at imbestigasyon.

Binigyan ng pinansyal na tulong ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga nasunugan kahapon sa Aroma Compound, Tondo.
Samantala, inaresto ng pulisya ang 2 suspek na nahuling nagnanakaw ng tanso at kawad ng kuryente habang nagaganap ang sunog.

Nananawagan ng tulong ang daan-daang mga residente mula sa Aroma compound sa Tondo, Maynila, matapos na tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay.
Karamihan sa kanila ay walang naisalba na kahit anong gamit at nananatili sa evacuation center.