
Isa-isang sinagot ni resigned National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago ang mga akusasyon laban sa kanya na naging mitsa ng kanyang pagbibitiw sa puwesto.
Dumalo rin siya sa flag raising ceremony ng NBI sa Pasay City upang personal na magpaalam sa mga kawani ng ahensiya.
Sa kabila ng kanyang pagbibitiw, tiniyak ni Santiago na nananatili ang kanyang tiwala sa kasalukuyang administrasyon.

Hindi obligasyon ng Pilipinas na magbayad ng danyos sa China kaugnay ng banggaan ng kanilang mga barko noong Lunes sa kasagsagan ng pangha-harass sa barko ng Philippine Coast Guard.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang China pa ang may dapat bayaran dahil sa pagsira sa inflatable boat ng Pilipinas at pagnanakaw ng mga baril at kagamitan ng mga sundalo sa Ayungin Shoal noong June 2024.
Sang-ayon dito ang isang eksperto na nagsabing, ang China lamang ang naniniwala sa sarili nitong kasinungalingan.

Dumalo sa flag raising ceremony ng National Bureau of Investigation kaninang umaga si Dir. Jaime Santiago matapos nitong magpasa ng irrevocable resignation nitong Biyernes.Nagpaalam na rin ito sa mga kawani ng NBI.

Naglabas ng paalala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC para sa ating mga kababayan upang maiwasang maging biktima ng mga ilegal na online lending apps na namamahiya at nagpapatubo ng labis-labis na nagiging sanhi ng pagkasira ng buhay ng ilan.

Tiniyak ng pamahalaan na hindi magpapasimula ng gulo ang Pilipinas sa West Philippine Sea, ngunit handa ang bansa na ipagtanggol ang teritoryo.
Ito’y sa kabila ng mas matinding agresyon at harassment na ipinakikita ng China sa mga barko at eroplano ng bansa.
Ayon sa isang political analyst, kailangang paghandaan ng Pilipinas, lalo na ng Philippine Coast Guard, ang mas agresibong aksyon ng China kasunod ng insidente sa Bajo de Masinloc.