
Sa gitna ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea, mariing itinanggi ng Philippine Navy ang alegasyon ng China na ginagamit lamang umano ang Pilipinas bilang proxy ng mga dayuhang bansa kaugnay ng isinasagawang multilateral maritime cooperative activities.

Hindi umano dapat makialam ang Amerika sa usapin ng deklarasyon ng China na gawing national nature reserve ang Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Tugon ito ng China matapos magbigay ng pahayag ang Estados Unidos na suportado nito ang Pilipinas sa pagtutol sa nasabing hakbang ng China.

Matagumpay na nakapagsagawa ng live-fire missile exercise ang Philippine Navy sa Zambales.
Ipinamalas dito ang kapabilidad ng makabagong Spike Non-Line-of-Sight (NLOS) missile system.

Nasa Pilipinas na ang ikalawang Miguel Malvar-class frigate ng Philippine Navy na tatawaging BRP Diego Silang.
Ayon sa Philippine Navy, malaking tulong ang bagong warship sa pagtatanggol at pagbibigay-proteksyon sa soberanya ng bansa.

Ikino-konsidera ngayon ng Department of Information and Communications Technology o DICT na i-block sa Pilipinas ang access sa ilang social media platform.
Ito ay kung patuloy silang hindi tutugon sa kampanya kontra fake news at misinformation.