
May hawak na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mga pangalan na sangkot umano sa anomalya sa flood control projects.
May mensahe rin ang Pangulo sa mga kaalyadong opisyal na maaaring sangkot sa isyu.

Nakaalis na kanina si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong India para sa 5 araw na state visit.
Pangunahing layunin ng pagbisita ng Pangulo na mapalakas pa ang ugnayan ng Pilipinas at India.

Itinalaga ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. si Lt. Gen. Antonio Nafarrete bilang bagong Commanding General ng Philippine Army.
Sa change of command ceremony kanina, mahigpit ang naging bilin sa kanya ni Pangulong Marcos na bantayan ang umiigting na geopolitical tensions.

Tumaas ang trust at approval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang bumaba naman ang ratings ni Vice President Sara Duterte batay sa pinakabagong survey ng OCTA Research.
Ayon sa OCTA, nakatulong sa pag-angat ng ratings ng pangulo ang anila’y mga hakbang nito sa mga problemang nakaaapekto sa mga mamamayan.

Nanawagan ang Malacañang na igalang ang Korte Suprema kasunod ng desisyon nito na ideklarang labag sa Konstitusyon ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hinihintay pa nilang mabasa at masuri ang buong nilalaman ng desisyon bago magbigay ng mas detalyadong pahayag.