
Nagsimula na ang Independent Commission for Infrastructure sa kanilang trabaho na mag-imbestiga sa anomalya sa flood control projects.

Sa gitna ng hamong kinahaharap ng Marcos administration sa paglaban sa kurapsyon, binigyang-diin ni PBBM sa kaniyang talumpati ang paninindigan na dapat palaging pumanig sa pambansang interes at sa kapakanan ng mga Pilipino.
Kasabay ito ng paggunita ng ika-108 kaarawan ng kaniyang ama na si Dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Inilabas na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order na bubuo sa kapangyarihan ng Independent Commission for Infrastructure.
Ito ang mag-iimbestiga sa lahat ng umano’y anomalya sa government flood control projects.

Sinagot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iba’t ibang mga isyu kabilang na ang tungkol sa ibinulgar ng mag-asawang Curlee at Sara Discaya na umano’y mga sangkot sa flood control projects anomaly.
Samantala, ano naman kaya ang reaksyon ni PBBM sa paglutang ng pangalan ng mga kongresista na umano’y sangkot sa flood control projects issue kung saan nadawit pa ang kaniyang pinsan na si House Speaker Martin Romualdez?

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may mapanagot sa isyu ng korapsyon sa flood control projects ng gobyerno.
Inianunsyo naman ni PBBM na wala nang ibibigay na pondo para sa flood projects sa taong 2026.