
Nag-courtesy call si dating Senador at boxing icon na si Manny Pacquiao kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay matapos ang kaniyang comeback bout laban sa WBC welterweight champion Mario Barrios.

Pumanaw na ang isa sa tatlong batang nabagsakan ng tipak ng bato sa Tomas Morato, Quezon City.
Kinumpirma ito ng kaniyang ama na si Jason Agna Baldonado sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Deputy Ombudsman for Visayas Dante Vargas bilang Acting Ombudsman.
Ito ay habang wala pang napipili ang Pangulo na bagong Ombudsman na papalit sa nagretirong si Samuel Martires.

Wala umanong sama ng loob ang dating hepe ng Philippine National Police na si Gen. Nicolas Torre III.
Ginawa nito ang pahayag nang dumalaw kay House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima sa tanggapan nito sa Kamara.

Hindi umano matatapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang resulta ang imbestigasyon sa mga flood control projects.
Ayon kay Baguio City Mayor at Mayors for Good Governance Convenor Benjamin Magalong, sinabi nitong ang nais ng pangulo na endgame o katapusan ng imbestigasyon ay may makulong.