
Sa kabila ng mga balitang malabong matuloy ang bilateral meeting sa pagitan nina Russian President Vladimir Putin at Ukrainian President Volodmyr Zelenskyy, nagpahayag ang Russian leader na hindi siya tumatanggi sa naturang pulong kung handang pumunta si Zelenskyy sa Moscow.

Nagkaroon na ng pagkakaunawaan si US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin kaugnay ng isinusulong na kapayapaan sa Ukraine.
Iginiit din ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na nasa Russia ang problema kung bakit hindi matuloy-tuloy ang tigil-putukan sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa ginanap na Shanghai Cooperation Organization Summit sa Tianjin, China, nanawagan si Chinese President Xi Jinping sa mga lider na kasapi ng samahan na tutulan ang tinawag niyang cold war mentality.
Iginiit ni Xi na dapat magkaroon ng mas pantay at makatarungang sistema ng global governance bilang alternatibo sa pamumunong ginagawa ng Estados Unidos.

Nagbabala ang United Nations hinggil sa lumalalang krisis sa Gaza, kung saan libu-libo na ang nasawi at milyun-milyon ang napilitang lumikas.
Pinangunahan ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang panawagan para sa agarang aksyon laban sa umano’y malawakang paglabag sa karapatang pantao.

Simula ngayong taon, hihilingin ng pamahalaan ni US President Donald Trump na mahatulan ng death penalty ang mga mapapatunayang sangkot sa kasong pagpatay sa Washington D.C.
Ayon kay Trump, ito raw ay magsisilbing pangontra sa patuloy na karahasan sa kabisera. Kinukuwestyon naman ng ilang opisyal ng lungsod ang nasabing panukala.