
Handa si US President Donald Trump na muling makausap si North Korean leader Kim Jong Un sa gitna ng tensyon sa Korean peninsula.
Ito ay para matalakay ang posibleng peace deal sa pagitan ng dalawang Korea.

Kinumpirma ng White House na pumayag na si Russian President Vladimir Putin na magkaroon ng isang pagpupulong kasama si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.
Ito ay bilang susunod na yugto sa proseso ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang bansa.

Naging produktibo ang pagpupulong sa White House nina US President Donald Trump kasama si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy at ilang lider ng Europa.
Sentro ng talakayan ang pagtulak sa tigil-putukan at ang pagbibigay ng katiyakan sa seguridad ng Ukraine.

Nagbabala si US President Donald Trump ng matinding parusa sa Russia kung hindi susunod si President Vladimir Putin sa panawagan na itigil ang digmaan sa Ukraine.
Ito ay kasunod ng virtual meeting ni Trump kasama si Ukraine President Volodymyr Zelenskyy at mga lider ng Europa, bago ang nakatakdang summit nina Trump at Putin sa Alaska bukas.

Nakatakdang magpulong sina US President Donald Trump at Russian leader Vladimir Putin sa Alaska sa Biyernes para pag-usapan ang matagal nang hinihiling na ceasefire sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Sa nasabing pagpupulong, hindi nabanggit na kasali si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, bagay na tinutulan ng ilang European leaders na iginiit na dapat isama ang Ukraine sa usapang pangkapayapaan.