
Naghahanda na ang iba't ibang grupo para sa gagawing malawakang kilos-protesta sa ilang lugar sa bansa sa darating na September 21.
Tinagurian itong trillion-peso march na gagawin sa Luneta Park at People's Power Monument sa EDSA.

Kinuwestyon ni Negros Oriental 3rd District Representative Javi Benitez ang sinasabing manifesto of support ng mga mambabatas sa Negros Island Region para sa speakership ni Congressman Martin Romualdez.

Nilinaw ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na walang katotohanan ang kumakalat na balitang nagbitiw na siya bilang alkalde ng lungsod.
Ayon kay Magalong, nananatili siyang duly elected mayor at buong pusong nagsisilbi sa mga residente ng Baguio City.

Iginiit ng AFP na mananatili silang tapat sa Konstitusyon, gayundin ang kanilang suporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa AFP, hindi nila papayagan ang sinuman o anumang grupo na gamitin ang sitwasyon sa kasalukuyan upang maghasik ng karahasan at pagkakawatak-watak ng lipunan.

Tuluyan nang idinismiss sa serbisyo ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang tatlong dating opisyal ng DPWH na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Ang mga dinismiss na opisyal ay pinatawan din ng perpetual disqualification to hold public office.