Back

Louella De Cordova

1:18
Politics

FBI, may person of interest na sa pagpatay kay Charlie Kirk

September 12, 2025 7:33 PM
PST

Naglabas na ang Federal Bureau of Investigation o FBI ng larawan mula sa CCTV ng pinaghihinalaang bumaril at pumatay kay Charlie Kirk sa Utah Valley University.

1:21
Politics

Show Cause Order vs. alleged campaign donor ni Sen. Chiz Escudero noong 2022, inilabas na ng COMELEC

September 12, 2025 7:21 PM
PST

Kinumpirma ng Commission on Elections o COMELEC na naglabas na sila ng Show Cause Order kahapon upang pagpaliwanagin si Lawrence Lubiano dahil sa pagdo-donate nito ng 30 million pesos kay Senator Chiz Escudero noong 2022 elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco, pinagpapaliwanag si Lubiano kung bakit hindi siya dapat kasuhan sa posibleng paglabag sa Section 95(C) ng Omnibus Election Code.

1:16
Politics

Labor Attaché Maglanque, pinauwi para harapin ang imbestigasyon kaugnay ng flood control project

September 12, 2025 7:16 PM
PST

Iniutos ng Department of Migrant Workers o DMW ang agarang pagpapauwi kay Labor Attaché Macy Monique Aglangue mula Los Angeles upang personal na humarap sa imbestigasyon matapos siyang mabanggit sa privilege speech ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Panfilo Lacson.

0:58
Weather & Environment

Total lunar eclipse o ‘blood moon’, naging visible sa Pilipinas

September 8, 2025 3:54 PM
PST

Namangha ang mga Pinoy sa Quezon City at Marikina matapos masaksihan ang total lunar eclipse o “blood moon” kaninang madaling-araw.

Tumagal ng walumpu’t tatlong minuto ang astronomical phenomenon na nasaksihan mula 1:30 AM hanggang 2:53 AM, ayon sa Philippine Astronomical Society.

0:59
Politics

Japan PM Shigeru Ishiba, nagbitiw matapos ang halalan

September 8, 2025 3:52 PM
PST

Nagbitiw sa puwesto si Japan Prime Minister Shigeru Ishiba matapos ang serye ng pagkatalo ng Liberal Democratic Party sa mababa at mataas na kapulungan ng parliamento.

Sa ilalim ng kanyang liderato, unang beses sa loob ng labinglimang taon na nawala sa LDP ang mayorya sa Lower House, at sinundan pa ito ng pagkatalo sa Upper House noong Hulyo.