
Tatlong magkakahiwalay na insidente ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue.
Lahat ito, mga nasugatan sa aksidente sa motorsiklo.

Tinulungan ng UNTV News and Rescue ang isang motorcycle rider na sangkot sa aksidente nang mabangga ng isang kotse sa Quezon City.
Nagtamo ito ng minor injury at tumanggi nang magpadala sa hospital.

Tinulungan ng UNTV News and Rescue team ang isang senior citizen na sugatan matapos mabangga ng taxi ang motor na kaniyang minamaneho sa Marcos Highway, Antipolo City.

Dalawang magkahiwalay na aksidente ang tinulungan ng UNTV News and Rescue team sa Buendia Flyover at EDSA-Bagong Barrio sa Caloocan City.
Naging katuwang naman ng UNTV Rescue Team ang Makati Disaster Risk Reduction and Management Office sa pagbibigay ng tulong sa insidente sa Buendia.

Sino ang makakalimot sa lindol noong Hulyo 1990 na yumanig sa Luzon?
Libo-libo ang naapektuhan, maraming gusali ang gumuho, at maraming buhay ang nasawi.
Ngayon, 35 taon mula nang mangyari ang isa sa pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng bansa, muling binabalikan ang mga aral na iniwan nito – mula sa kahalagahan ng disaster preparedness hanggang sa pagbibigay-halaga sa maayos na urban planning.
Paalala ito na anumang oras ay maaaring mangyari muli ang ganitong sakuna, kaya’t mahalaga ang laging pagiging handa.