Sino ang makakalimot sa lindol noong Hulyo 1990 na yumanig sa Luzon?
Libo-libo ang naapektuhan, maraming gusali ang gumuho, at maraming buhay ang nasawi.
Ngayon, 35 taon mula nang mangyari ang isa sa pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng bansa, muling binabalikan ang mga aral na iniwan nito – mula sa kahalagahan ng disaster preparedness hanggang sa pagbibigay-halaga sa maayos na urban planning.
Paalala ito na anumang oras ay maaaring mangyari muli ang ganitong sakuna, kaya’t mahalaga ang laging pagiging handa.