
Nag- inspeksyon ang PNP-Headquarters Support Service kasama ang Senate Sergeant at Arms sa custodial facility sa loob ng Camp Crame.
Ito'y dahil sa inaasahang pananatili ni Ex-DPWH Assistant District Engr. Brice Hernandez.

Pina-iimbestigahan ng Philippine National Police - Headquarters Support Service o HSS sa Anti-Kidnapping Group ang responsable sa ilegal na pagparada ng recovered na sasakyan sa officers row o tirahan ng mga heneral sa loob ng Kampo Crame.

Nagpatupad na ng unang balasahan ang pamunuan ng pambansang pulisya. Kasama sa inilipat ng puwesto ay si dating PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo na dinala sa Mindanao.

Malinis ang record o walang iregularidad ang 8 sa 12 sasakyan ng mga Discaya na ipina-verify ng Bureau of Customs sa Highway Patrol Group.
Ayon sa HPG, ang verification results sa naturang mga sasakyan ay naisumite na rin nila sa BOC.

May nakahanda nang security plan ang National Capital Region Police Office o NCRPO sakaling lumala o magsunod-sunod ang kilos protesta sa gitna ng kontrobersya ng flood control project ng pamahalaan.
Panawagan ng NCRPO sa publiko: maging mahinahon at huwag padadala sa panghihikayat ng mga grupo na nais na manamantala sa sitwasyon.