
Handa ang Philippine National Police sa mga kilos protesta sa gitna ng kontrobersya sa flood control projects ng pamahalaan.
Tiwala naman si Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na hindi magkakagulo sa Pilipinas gaya ng mga nangyayari sa ibang bansa.

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group ang mag-asawa sa Valenzuela na gumagawa ng mga pekeng identification card.
Depensa ng mga naaresto, nagawa lamang nila ito dahil sa kahirapan at upang buhayin ang kanilang 5 anak.

Nasa maayos na kondisyon sa loob ng Philippine National Police Custodial Center si dating DPWH Bulacan 1st district assistant engineer Brice Hernandez.

Pagpapaliwanagin ng Land Transportation Office ang tinaguriang BGC boys.
Ayon sa LTO, nais nilang malaman kung saan nakuha ng mga ito ang pekeng lisensya na ipiniprisinta umano sa mga casino.

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang 4 na indibidwal sa loob ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kaugnay sa tangkang pagpupuslit ng 6 na luggage na puno ng marijuana kush.
Sa 4 na nahuli, 2 ang mismong nagtatrabaho sa paliparan.