
Pinagpapaliwanag na ng Philippine National Police ang guwardiya sa viral video na pumutok ang baril habang nagtuturo ng gun safety o tamang paghawak nito.
Ayon sa pulisya, maging ang security agency ng naturang guwardiya ay hinihingan nila ng paliwanag kaugnay sa insidente.

Inalis na sa pwesto ng Manila Police District ang 19 na tauhan at opisyal ng kanilang Drug Enforcement Unit.
Ito'y matapos na magreklamo sa NAPOLCOM ang isa sa nakatakas na indibidwal na hinuli sa Sampaloc kaugnay sa ilegal na droga.

Sinampahan ng reklamong administratibo ng isang Grab delivery rider ang 7 opisyal at tauhan ng Manila Police District.
Ito’y matapos syang hulihin sa area ng Sampaloc sa Maynila nang wala aniyang dahilan at kinuha pa ang kanyang mga gamit at P9,000 sa kaniyang Gcash wallet.

Handa ang pwersa ng Quezon City Police District kung mayroon mang ilulunsad na kilos-protesta ang iba't ibang grupo sa lungsod.
Ayon sa QCPD, may sapat silang bilang ng tauhan na magbabantay para sa kaligtasan ng mga dadalo sa mga rally.

Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government ang isang single hotline number para sa lahat ng emergency calls sa buong bansa.
Layon nito ang mas mabilis na koordinasyon at pagresponde sa bawat tawag sa panahon ng pangangailangan.