
Nasa 401 na mga buto ang nakuha sa Taal Lake sa isinagawang paghahanap sa mga nawawalang sabungero.
Ito ang ipinahayag ni Department of Justice Assistant Secretary Eliseo Cruz sa briefing kanina na isinagawa ng House Committee on Human Rights.

Dapat magsilbing ehemplo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa utos nitong lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno.
Ito ang giit ng makabayan lawmakers sa gitna ng kontrobersya at katiwalian sa flood control projects ng pamahalaan.

Nagpulong sina former Vice President at ngayo'y Naga City Mayor Leni Robredo at Baguio City Mayor Benjamin Magalong kasama si Sen. Bam Aquino.
Ayon kay Sen. Aquino, kaniyang ibinahagi ang kanyang agenda bilang Chairperson ng Senate Committees on Basic Education and Science and Technology, samantalang pinakinggan naman niya ang bahagi ng mga alkalde kaugnay ng good governance and anti-corruption initiatives.

Kinuwestiyon ng ilang kongresista ang pagtanggal kay Gen. Nicolas Torre III bilang hepe ng Pambansang Pulisya.

Labing-apat na mangingisda ang nailigtas ng mga tauhan ng Coast Guard Station Southern Palawan matapos na magkaaberya ang makina ng kanilang bangka sa karagatan.
Sa inisyal na pag-iimbestiga ng mga awtoridad, pauwi na sana ang mga mangingisda sa lungsod ng Puerto Princesa mula Rio Tuba, Bataraza nang mangyari ang insidente.