
Dinepensahan ni former Senator Cynthia Villar ang pagpapatayo ng Zapote River Drive sa Las Piñas City.
Ito ay matapos sisihin ni Las Piñas City Representative Mark Anthony Santos ang mga pagbaha sa lugar dahil sa naturang proyekto na ipinatayo ng mga Villar.

Nakipagpulong si ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong upang talakayin ang mga umano’y maanomalyang proyekto at ang paglalantad sa mga opisyal na sangkot dito.

Pag-aaralan muna ng Malakanyang ang isinusulong ng ilang mambabatas na higpitan ang regulasyon o batas na gumugobyerno sa mga contractor.
Lumutang ang isyu ng paghihigpit sa mga contractor kasunod ng kontrobersya sa flood control projects.

Maaari pa ring tanggapin ng mga establisyemento ang lumang Person with Disability o PWD ID na iniisyu ng mga Local Government Unit o LGU.
Ito ang nilinaw ng Department of Social Welfare and Development o DSWD habang nasa pre-pilot stage pa lang ang implementasyon ng unified ID system.

Bukas ang ilang kandidato sa pagka-ombudsman sa pagrebisa sa istriktong patakaran ng pagsasapubliko ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan.
Iyan ang kanilang inilahad sa public interviews bilang bahagi ng pagsala ng Judicial and Bar Council (JBC) sa mga nagnanais maging susunod na Ombudsman.