
Matitinding sagupaan ang nasaksihan ng mga manonood ng UNTV Cup Executive Face-Off kahapon.
Nagtagumpay sa dikit na laban ang DOJ Beacons kontra sa GSIS Furies, at ang Judiciary Magis kontra sa PNP Responders.

Sinisingil ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang nasa halos isang daang mga contractor ng 315 flood control projects sa lungsod dahil sa hindi pagbabayad ng kaukulang buwis.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, kabilang dito ang St. Timothy Construction Corporation ng pamilya Discaya.

Kinumpirma ng Bureau of Customs na nasa kustodiya na nila ang 28 na luxury vehicles ng pamilya Discaya.
Sa ngayon ay nasa proseso na ang BOC para sa sealing and documentation para sa verification ng importation records at assessment sa duties and taxes ng mga sasakyan.

Wala pa ring bahid ng talo ang win-loss record ng AFP Cavaliers matapos nilang pataubin ang Ombudsman Graftbusters.
Samantala, pasok na ang BJMP Greyhounds sa top 4 ng standing matapos tambakan ng 22 points ang DOJ Beacons.

Daang bilyong piso ang nawala sa ekonomiya dahil sa mga ghost flood control projects.
Ito ay batay sa presentation ng Department of Finance sa pagdinig ng Senado kanina kaugnay ng National Expenditure Program para sa 2026.