
Umabot na sa 18 million ang users ng e-gov PH app ayon sa Department of Information and Communications Technology o DICT.
Patuloy namang pinalalawig ng ahensya ang sistema ng application upang mapalawak pa ang mga digital na serbisyo nito para sa mga Pilipino.

Pasok na sa semifinals ng UNTV Cup Executive Face Off 2025 ang mga koponan ng undefeated na AFP Cavaliers at Judiciary Magis matapos ang bakbakan sa hard court kahapon sa Amoranto Arena sa Quezon City.
Samantala, eliminated na ang Executive Branch Commanders matapos silang tambakan ng Ombudsman Graftbusters.

Muling hiniling ni Atty. Nicholas Kaufman sa Marcos Administration na pauwiin na sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte oras na payagan ng International Criminal Court ang interim release nito.

Posibleng mauwi sa condemnation o pagsira o kaya'y ipa-auction ang luxury vehicles ng pamilya Discaya.

Muling nagpaalala ang Civil Service Commission o CSC sa mga government official and employees na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusugal kahit pa tapos na ang oras ng kanilang trabaho.