
Simula August 14, libre na para sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth, ang ilang cancer screening tests sa ilalim ng YAKAP o Yaman ng Kalusugan Program.
Layunin nitong matulungan ang mga Pilipino na matukoy ang sakit bago pa lumala, at maiwasan ang mabigat na gastusin sa gamutan.

Na-develop na ngayong Biyernes ng umaga bilang isang tropical depression ang Low Pressure Area na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility at pinangalanan itong Fabian.
Batay sa 11AM weather update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyong Fabian sa layong 185km west ng Batac, Ilocos Norte.

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na patuloy nilang mino-monitor ang development sa kaso ng isang Filipino green card holder na ikinulong ng US authorities sa Long Beach, California, noong August 1, 2025.
Kinilala ang pinoy na si Mark Lorenzo Villanueva, 28 anyos na inaresto dahil sa umano'y pagpapadala ng pondo sa hinihinalang ISIS Terrorist Group.

Kinumpirma ngayon ng Philippine Coast Guard na narinig sa silangang bahagi ng Palawan ang tunog ng mga pagsabog kagabi na sinasabing galing sa rocket launch activity ng China.
Base sa report ng PCG, narinig ang serye ng malalakas na pagsabog kagabi,kung saan naobserbahan ang mga bakas ng tila abo na mula sa rocket launch.

Isa nang ganap na bagyo ang dating low pressure area na ngayon ay tinawag ng PAGASA na bagyong "Dante."
Kaugnay nito, sinuspinde na ng Malacañang ang klase sa lahat ng antas at ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Metro Manila at piling lalawigan bukas, Miyerkules, July 23.