
Naniniwala si Davao City acting Mayor Baste Duterte na posibleng may internal conflict umano sa pagkakatanggal kay Police General Nicolas Torre III bilang hepe ng Philippine National Police.
Hindi rin kumbinsido si Mayor Baste na isang hakbang ito upang ilipat ang atensyon ng publiko sa isyu ng maanomalyang flood control projects.

Nagpasalamat sa isang fan si Ex-PNP Chief Nicolas Torre III sa pamamagitan ng isang post sa kaniyang official FB page, ilang araw pagkatapos nitong masibak sa pwesto.
Ayon naman sa ilang sources, nag-iimpake na umano si Torre at ang kanyang pamilya paalis ng “white house’ o ang bahay ng PNP chief sa loob ng Camp Crame.

Nakapagsumite na ng komento sa Korte Suprema ang kampo ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa inihaing motion for reconsideration ng Kamara hinggil sa pagdedeklara na unconstitutional ang articles of impeachment laban sa Bise Presidente.

Inihahanda na ng Bureau of Immigration ang deportation case laban sa American national na sangkot umano sa pang-aabuso sa nasa 169 na mga kabataan sa isang care facility sa Mexico Pampanga.

Sinagip ng Department of Social Welfare and Development ang nasa 156 na mga kabataan mula sa isang inirereklamong care facility sa Mexico, Pampanga.
Ayon sa DSWD, marumi, masikip, at may health hazard ang naturang pasilidad. Nakaranas rin umano ng pang-aabuso ang mga batang naninirahan doon.