
Inisyuhan na ng subpoena ng Department of Justice ang umano'y mga indibidwal na iniuugnay sa kaso ng missing sabungeros.

Hindi na ikinagulat ni Senator Erwin Tulfo ang pagbibitiw sa pwesto ni Philippine Contractors Accreditation Board Executive Director Attorney Herbert Matienzo.
Ayon kay Senator Erwin Tulfo, itutuloy pa rin ng Senado ang imbestigasyon kay Attorney Matienzo kahit wala na ito sa kaniyang posisyon.

Inihayag ng Malacanang na hindi nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumiklab ang gulo sa Pilipinas dahil sa isyu ng katiwalian tulad ng nangyayari ngayon sa Indonesia.
Ginawa ng palasyo ang pahayag kasunod ng nangyaring protesta kanina sa harapan ng St. Gerrard Construction sa Pasig City na pagmamay-ari ng pamilya Discaya.

Nanawagan sa pamahalaan ang grupong akbayan na i-freeze ang assets ng mga contractor na iniuugnay sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Akbayan President Rafaela David, hindi sapat ang pagi-isyu lamang ng Immigration Lookout Bulletin Order laban sa mga personalidad na sangkot sa katiwalian.

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatayo ng malalaking underground rain catchment basins sa ilang strategic areas sa Metro Manila na makatutulong para maresolba ang problema sa baha.