
Nakasaad sa bagong panukalang batas sa England na ipagbabawal ang pagbebenta ng energy drinks sa mga batang wala pang 16 taong gulang.

Namangha ang mga residente sa iba’t ibang bahagi ng United Kingdom matapos masilayan ang Northern Lights noong Lunes ng gabi, mula Scotland, Wales, hanggang Norfolk at Kent.
Ayon sa mga eksperto, ang makukulay na liwanag ay dulot ng isang malakas na coronal mass ejection mula sa araw na tumama sa Earth na nagdulot ng geomagnetic storm.

Muling nahukay sa Great Ormond Street Hospital for Children ang isang time capsule na tinatakan ni Princess Diana noong 1991 upang bigyang-daan ang pagtatayo ng bagong cancer center.
Ipinakita dito ang iba’t ibang memorabilia ng dekada nobenta gaya ng pocket-size TV, Kylie Minogue CD, mga buto ng puno, solar-powered calculator, at British coins.

Pipirmahan na ni US President Donald Trump ang isang executive order na mag-uutos ng voter identification requirement para sa lahat ng botante.
Kasama sa plano ni Trump ang pagbabawal ng mail-in voting maliban sa mga may malubhang karamdaman at mga miyembro ng militar na nasa malalayong lugar.
Matagal nang iginiit ng US President na nagkaroon ng pandaraya noong 2020 elections at paulit-ulit na tinutuligsa ang paggamit ng electronic voting machines.

Sinibak na ng White House si US Centers for Disease Control and Prevention o CDC Director Susan Monarez matapos tumangging magbitiw sa puwesto.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng White House na hindi nakaayon sa President's agenda si Monarez, kaya ito tinanggal sa tungkulin.