
Matagumpay ang isinagawang test fire ng India sa Agni-5, isang locally-developed intermediate-range ballistic missile na kayang magdala ng nuclear warhead.
Ayon sa Ministry of Defense ng India, natugunan ng missile ang lahat ng operational at technical parameters nang i-launch ito sa Odisha State nitong Miyerkules.

Mariing kinondena ng International Criminal Court o ICC ang bagong parusang ipinataw ng Estados Unidos laban sa apat nitong opisyal.
Kabilang dito ang dalawang hukom at dalawang piskal dahil sa pag-iimbestiga, pag-aresto at pagpaparusa sa mga mamamayan ng US at Israel na ayon kay Sec. Rubio ay paglabag sa soberanya ng dalawang bansa.