
Tikom ang bibig ni Vice President Sara Duterte sa estado ng kalusugan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito'y kasunod ng paghahayag ni Atty. Nicholas Kaufman na hindi "fit for trial" si FPRRD.

Malabo pa rin sa ngayon ang pag-uusap sa pagitan nina Ukrainian President Volodymyr Zelensky at Russian President Vladimir Putin.
Ayon kay US President Donald Trump, sobra ang pagkamuhi ng dalawa sa isa't-isa kaya nahihirapan siyang pagharapin ang mga ito.

Hindi umano nangako si Justice Secretary Crispin Remulla kay Sen. Rodante Marcoleta na gawing state witness ang mag-asawang Discaya.
Ayon kay Sec. Remulla, bagama't nagkausap sila ng senador, hindi aniya ito nangangahulugan na umaayon na siya sa gusto nito.

Wala sa kapangyarihan ng Malacañang na pabalikin sa Pilipinas si FPRRD.
Ito ang tugon ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa hiling ni Atty. Nicholas Kaufman na payagan nang maka-uwi si FPRRD kung pagbibigyan ng International Criminal Court ang hiling na interim release.

Nanawagan si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa Malacañang na gumawa ng “negative list” ng infrastructure projects na hindi maaaring pondohan sa ilalim ng 2026 proposed national budget.
Ayon sa Senate President, isa itong proactive measure upang maalis ang mga maanomalya at kuwestiyonableng proyekto.