
Dadalo si North Korean leader Kim Jong Un sa military parade sa September 3, 2025, ayon sa China Foreign Ministry.
Ang tinaguriang Victory Day parade ay kaalinsabay ng ika-80 anibersaryo ng digmaan sa pagitan ng China at Japan, at pagtatapos ng World War II.

Muling nanawagan ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court pre-chamber na aksyunan ang kanilang petition for interim release.
Sa dokumentong may petsang August 19, hinihiling ng mga abugado ni FPRRD sa korte na i-utos ang agarang pagpapalaya sa kanya.

Inihalal si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan bilang bagong Chairperson ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes ngayong 20th Congress.
Nangako ang senador na magsasagawa ng konsultasyon sa mga eksperto sa konstitusyon, civil society, negosyo, mga lokal na pamahalaan, at publiko upang talakayin ang mga posibleng pagbabago sa konstitusyon.

Naglunsad na ng imbestigasyon ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa aksidente kahapon kung saan 3 estudyante ang nabagsakan ng tipak ng semento mula sa isang gusali sa Tomas Morato.
Pinag-aaralan na rin anila nila ang posibleng pagsasampa ng reklamo laban sa mga responsable sa nangyari.

Naglabas ng code white alert ang Department of Health sa kanilang operations center bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Crising.
Sa ilalim ng alertong ito, inihahanda ng DOH ang mga gamot, medical equipment, at health emergency response teams para sa mga rehiyong maaaring maapektuhan ng bagyo.