
Sa layong tugunan ang problema sa unemployment at underemployment rate sa bansa, isang job fair ang isinagawa sa Baguio City kahapon bilang bahagi ng pagdiriwang ng 125th Civil Service Month.
Mahigit 1,000 na trabaho sa gobyerno ang alok ng ahensya para sa mga job seeker.

Naniniwala si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na dapat unahing imbestigahan si Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy "Zaldy" Co pagdating sa mga isyu ng flood control projects.
Para sa alkalde na convenor ng grupong Mayors for Good Governance, si Co ang susi pagdating sa mga isyu ng katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno.

Tinawag na “highly organized crime” ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang uri ng korupsyon sa bansa.
Ito ang kaniyang mensahe sa isang protesta, kasama ang mga progresibong grupo, laban sa anomalyang flood control projects.

Mas pinili ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na humarap sa House of Representatives sakaling magsabay ang pagdinig nito at ng Senado hinggil sa anomalya sa flood control projects.

Naghihintay na ng imbitasyon si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga isasagawang imbestigasyon hinggil sa mga umano'y kwestyunableng flood control projects.
Kailangan din umano ng malawakang intelligence gathering upang makabuo ng konkretong batayan sa mga imbestigasyon.