
Kaalinsabay ng komemorasyon ng National Heroes’ Day, isang malawakang job fair ang isinasagawa ngayong araw ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Sinampahan na ng mga kaukulang kaso ang mga inarestong Pilipino sa Hong Kong dahil sa iba't ibang alegasyon.
Tiniyak naman ng Department of Migrant Workers na tutulungan pa rin ng ahensya ang pamilya ng mga ito sa Pilipinas.

Nanindigan ang isa sa mga apo ni dating Senador Ninoy Aquino na walang mangyayaring reconciliation sa pamilya Marcos malibang akuin ng mga ito ang pananagutan sa mga biktima ng martial law.
Samantala, ikinatuwa naman ng mga Aquino supporters na hindi pinalitan ang petsa ng paggunita ng kabayanihan ni Ninoy para sa taong ito.
Inalala ng mga tagasuporta ng mga Aquino ang anila’y naging ambag ni dating Senador Benigno Aquino sa bayan.
Anila, ang 1983 assassination sa dating senador ay nagbukas ng pinto para sa panunumbalik ng demokrasya sa Pilipinas.

Naniniwala ang isang mambabatas na hindi paglilipat o pagrere-align ng pondo ang dapat na solusyon upang wakasan ang umano’y katiwalian sa mga government projects.
May kinalaman ang pahayag na ito ni Navotas Representative Toby Tiangco sa mga kasalukuyang kontrobersyang bumabalot sa ilang programa ng gobyerno.