Naniniwala ang isang mambabatas na hindi paglilipat o pagrere-align ng pondo ang dapat na solusyon upang wakasan ang umano’y katiwalian sa mga government projects.
May kinalaman ang pahayag na ito ni Navotas Representative Toby Tiangco sa mga kasalukuyang kontrobersyang bumabalot sa ilang programa ng gobyerno.