
Hindi ititigil ng pamahalaan ang pagpapatrolya sa Bajo de Masinloc sa gitna ng deklarasyon ng China na gumawa ng National Nature Reserve sa pinagtatalunang shoal.
Tiniyak din ng National Maritime Council o NMC na idadaan pa rin ng Pilipinas sa diplomasya ang pagharap sa isyu.

Tila hindi nababahala si Department of Justice Secretary Crispin Remulla sa reklamong kidnapping at arbitrary detention na inihain ni Davao City Acting Mayor Sebastian 'Baste' Duterte sa Ombudsman laban sa kanya at iba pang opisyal ng pamahalaan.
Kaugnay ito ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Department of Justice o DOJ Sec. Crispin Remulla na nasa panig pa rin niya ang katotohanan kaugnay ng inihaing reklamo laban sa kanya ni Davao City Acting Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte sa Office of the Ombudsman.

Naniniwala si Justice Secretary Crispin Remulla na layon ng bagong reklamo na inihain laban sa kanya ni Davao City acting Mayor Baste Duterte na hadlangan ang kanyang aplikasyon bilang susunod na Ombudsman.
Dagdag pa nito, ang timing ng pagsasampa ng reklamo ay para hindi matanggap ng Judicial and Bar Council o JBC ang kinakailangang clearance para sa kanyang aplikasyon.

Inihayag ng Supreme Court na inaasahang mailalabas ang resulta ng katatapos na Bar Examination sa Enero ng susunod na taon, at ang oathtaking naman ng mga bagong abogado sa February 2026.