
Inaasahang ipo-proklama na ng Commission on Elections sa darating na Miyerkules ang Gabriela Party-list bilang isa sa mga nanalong party-list group sa House of Representatives.

Natapos na kahapon ang 2025 Bar Examinations na isinagawa sa iba't ibang local testing centers sa bansa.
Inaasahang malalaman ang resulta ng pagsusulit sa Enero ng susunod na taon.
May payo naman ang Bar Chairperson sa mga naghahangad na maging abogado.

Pinoproseso na ng Department of Justice o DOJ ang hiling na Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO laban kay former DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Tiniyak naman ni DPWH Secretary Vince Dizon na aaksyon sila kaagad kapag may mga opisyal ng kagawaran na mababanggit na sangkot sa katiwalian, kabilang na ang mga dapat maisyuhan ng ILBO.

Naniniwala ang isang constitutional lawyer na mayroon pa ring paglabag sa batas ang isang campaign contributor na kontratista sa gobyerno, kahit na nagbigay siya ng donasyon sa isang kandidato sa kanyang personal o private capacity.
Kahalintulad ito ng campaign contributor ni Senator Francis Escudero na si Lawrence Lubiano noong 2022 elections.

Nais kumpirmahin ng Commission on Elections o COMELEC sa Department of Public Works and Highways kung may kontrata ba sa kanila ang mga kontraktor o construction firms na nagbigay ng donasyon sa mga kandidato noong nakaraang 2022 national and local elections.