
Nabawi na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang administrative control sa opisyal na facebook page ng Manila Public Information Office mula sa mga dating empleyado na umano’y nang-hostage ng account.
Ayon kay Mayor Isko Moreno Domagoso, muli na itong magsisilbing pangunahing digital platform para sa public advisory, emergency announcements, at iba pang update para sa mga Manileño.

Tiyak nang lalagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda na sana sa December 2025.
Nais ni Pangulong Marcos Jr. na matutukan ng Commission on Elections o COMELEC ang kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM sa Oktubre.

Hinihiling ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. sa China na magbigay muna ng maagang abiso kung masasagawa ng rocket launches sa Pilipinas.
Hindi na aniya bago na mayroong mga rocket launch na nanggagaling sa China patungo ng bansa gaya na lamang ng pinakahuling launch malapit sa palawan.

Kasunod ng balitang dinisqualify ng Judicial and Bar Council ang aplikasyon ni DOJ Sec. Crispin Remulla, nanindigan naman ang kalihim na tuloy ang kanyang application sa pagka-Ombudsman.
Ito ay matapos linawin ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, na hindi pa nagsisimula ang proseso ng JBC at wala pang nailalathalang official list ng mga aplikante para sa nasabing posisyon.

Balikan natin ang mga pangunahing balita sa nakalipas na linggo, dito sa Ito ang Balita: Weekend Refresh.