
Nagbabala ang Philippine Embassy sa Cambodia sa mga Pilipino na umiwas sa mga lugar na may presensya ng militar o isinasagawang operasyon.
Ang paalalang ito ay kaugnay ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Cambodia at Thailand, kung saan higit 20 na ang nasawi at mahigit 130,000 katao ang napilitang lumikas.

Nagpatupad ng martial law ang pamahalaan ng Thailand sa 7 distrito ng Chathaburi bilang tugon sa umiigting na tensyon sa pagitan ng Thailand at Cambodia.
Layon ng hakbang na ito na palakasin ang seguridad at tiyaking ligtas ang mga sibilyan sa gitna ng lumalalang sitwasyon.

Lumagpas na sa critical level ang tubig sa Laguna de Bay, dahilan para magtaas ng babala ang mga otoridad sa mga kalapit na komunidad.
Isang insidente ng landslide ang naitala sa Calamba, Laguna bunsod ng malakas na pag-ulan.
Samantala, sa Laurel, Batangas, buwis-buhay na itinawid sa rumaragasang tubig ang kabaong ng isang nasawing residente sa gitna ng masamang panahon.