
Idineklara nang crime scene ni Independent Commission on Infrastructure Special Adviser at Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang flood control project sa bayan ng Bauang, La Union.
Sa isinagawang inspeksyon kanina, natuklasang peke lang ang inilagay na weep hole na makatutulong upang mabawasan ang stress sa istruktura tulad ng flood control project.

Nag-inspeksyon kaninang umaga sa ginagawang flood control project sa bayan ng Bauang, La Union sina Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon kasama si Independent Commission on Infrastructure Special Adviser at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Ayon kay Secretary Dizon, maituturing na sobrang sub-standard ang proyekto na tila minadali lang tapusin.

Libo-libong raliyista ang inaasahang makikiisa sa isasagawang malawakang kilos-protesta sa September 21 kontra korapsyon sa mga proyekto ng gobyerno.
Patuloy na rin ang pakikipag-ugnayan sa awtoridad ng mga grupong lalahok para sa mga permit sa gagawing kaliwa't kanang rally sa naturang araw.

Puspusan na ang mga paghahandang ginagawa ng iba't ibang mga grupo na lalahok sa malawakang kilos-protesta na isasagawa sa darating na linggo, September 21.
Idaraos ang kaliwa’t-kanang kilos-protesta sa iba't ibang lugar sa bansa para kondenahin ang lumalalang isyu ng korupsyon sa pamahalaan.

Hindi na muna babayaran ng gobyerno ang sinumang contractor na hindi papasa ang kalidad ng ginawang proyekto.
Bukod diyan, tiniyak din ni DPWH Secretary Vince Dizon na hahabulin nila ang mga isinasangkot na contractor sa katiwalian upang mabawi ang pera na mula sa taumbayan.