
Hindi kinokonsidera ni Senate President Francis Escudero ang pag-inhibit sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay sa gitna ng panawagan ng ilang grupo na magbitiw ang Senator-judge sa paglahok sa paglilitis dahil sa hindi patas na paghawak sa impeachment case.

Ilan pang senador ang nagsusulong ng mga hakbang laban sa online gambling na anila'y nagdudulot ng problema sa komunidad.
Sinusuportahan din ng ilang mambabatas ang mga ahensyang agad na umaaksyon laban sa mga pasugalan, gayundin ang pagsawata sa mga nag-eendorso at nanghihikayat nito sa publiko.

Itinuturing ni dating Senator Francis Tolentino na isang karangalan ang ipinataw na sanction ng China dahil sa kanyang pagtatanggol sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA), hindi makatutulong ang hakbang na ito ng China sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa.

Nagpahayag ng magkakaibang opinyon ang ilang senador kaugnay ng bagong petsa ng muling pag-upo ng impeachment court.
Kasunod ito ng pahayag ni Senator Joel Villanueva na sa August 4 pa inaasahang ipagpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.