
Napagkasunduan ng mga senador na sa August 6 tatalakayin sa Senate plenary ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay matapos ang isinagawang caucus bago ang pagbubukas ng sesyon ngayong araw.

Maghahain ng panukalang batas si Senate President Francis Escudero na layong ipagbawal sa mga kaanak ng sinomang opisyal ng gobyerno na maging contractor o supplier ng pamahalaan.
Tugon ito sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na masugpo ang katiwalian sa mga kontratang pinapasok ng pamahalaan.

Sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema, ilang senador pa rin ang nais ituloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ngunit ayon kay Senator Juan Miguel Zubiri, maaari itong humantong sa contempt order mula sa Korte Suprema, kaya panawagan ng ilan: sundin at igalang ang naging pasya ng kataas-taasang hukuman.

Iginiit ni Senator Joel Villanueva na tuloy pa rin ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kahit dineklarang unconstitutional ng Supreme Court ang isinampang kaso.
Naglabas din ng pahayag ang ilang kasalukuyan at dating senador kaugnay ng naging desisyon ng Korte Suprema.

Dismayado ang ilang senador sa pinirmahang kasunduan sa taripa ng Estados Unidos at Pilipinas.
Ayon sa kanila, tila lugi ang mga Pilipino sa naturang deal. Isang senador pa ang nagsabing insulto ito para sa bansa.