
Magpupulong na ang Senate Finance Committee at counterpart nito sa House of Representative sa Lunes.
Ito ay upang pag-usapan ang panukalang 2026 National Budget na inaasahang lalabas na sa susunod na linggo.

Maaaring buhayin ng Senado ang impeachment kay Vice President Sara Duterte kahit 5 lang ang bumoto mula sa mga senador, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian.
Nilinaw rin ng mambabatas na ang Supreme Court ang siyang "pumatay" sa impeachment, at hindi ang Senado.

Inihayag ni Senador Imee Marcos na may himala umanong nangyayari sa mga Bicameral Conference Committee o bicam para sa proposed 2026 National Budget.
Ayon sa senador, malaki ang maitutulong ng pag-u-upload ng mga dokumento gaya ng panukala ni Senate Finance Committee Chairperson Sherwin Gatchalian upang masubaybayan ito ng publiko.

Ipinaliwanag ng mga senador ang kani-kanilang boto ng pagpabor o pagtutol na isantabi muna ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Paliwanag ng mayorya ng mga senador, ang kanilang boto ay alinsunod sa SC impeachment ruling.

Sa botong 19 to 4, at isang nag-abstain, inaprubahan ng Senado ang ‘motion to archive’ ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Kasunod ito ng mahabang debate at botohan ng mga senador sa naturang usapin, partikular na ang dalawang mosyong inihain sa plenaryo.