
11 na narcoterrorists ang napatay matapos pasabugin ng US forces ang isang speedboat na nagdadala umano ng droga mula Venezuela.
Ayon kay US President Donald Trump, ang mga nasawi ay bahagi ng Tren de Aragua gang na umano’y kontrolado ni Venezuelan President Nicolas Maduro.

Nakuha na ng Bureau of Customs ang lahat ng 12 luxury vehicles na nakapangalan sa pamilya Discaya matapos ang isinagawang court-ordered search operation sa Pasig City.
Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, pitong sasakyan ang isinuko kagabi habang ang tatlo pang unit ay nasa service centers para sa repair at sunod ding ibibigay sa BOC.

Ipinatitigil muna ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang bidding sa lahat ng locally funded na mga proyekto.
Kabilang na dito ang lahat ng flood control at iba pang infrastructure projects.

Umaasa si US Treasury Secretary Scott Bessent na susuportahan ng Korte Suprema ang paggamit ni President Donald Trump ng 1977 Emergency Economic Powers Act para sa pagpapataw ng mga taripa.
Ito’y kasunod ng desisyon ng US Court of Appeals na nagdeklara na iligal ang karamihan sa ipinataw na tariffs ng administrasyon.

Balik-eskwela na ang libu-libong bata sa Kharkiv, Ukraine ngayong taon sa mga paaralang itinayo sa ilalim ng lupa upang makaiwas sa patuloy na banta ng pag-atake ng Russia.
Tinatayang 17 thousand na mga estudyante ang nag-aaral sa mga nakahandang underground schools.