
Inaatasan ng Department of Transportation ang mga opisyal ng ahensya sa road at rail sector na gumamit ng pampublikong transportasyon.
Batay sa memorandum na nilagdaan ni Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez kahapon, isang beses sa isang linggo ay dapat maranasan ng mga opsiyal ang paggamit ng pampublikong sasakyan.

Tiniyak ng Department of Budget and Management na may nakahandang pondo para sa operasyon ng binuong Independent Commission for Infrastructure o ICI.
Ang ICI ay ang naatasan na mag-imbestiga sa anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.

May panibagong mga reklamong kinakaharap sa Office of the Ombudsman si Justice Secretary Crispin Remulla.
Inihain ang mga reklamo ni Acting Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte sa pamamagitan ng abogado nito na si Atty. Israelito Torreon.

Nasa Senado na ulit ang kustodiya kay dismissed Bulacan 1st District Asst. Engineer Brice Hernandez.
Sa letter of request na isinumite ng legal counsel ni Hernandez sa Senate President, hiniling nito ang re-admission ng kanilang kliyente sa Senate detention facility.

Nakatakda nang pirmahan ngayong araw ni DPWH Secretary Vince Dizon ang dismissal nina Bulacan 1st District Asst. Engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.
Nasa proseso na rin ang DPWH ng pagba-blacklist sa pagkuha ng mga proyekto ang kumpanya ng mag-asawang Discaya.