Inilabas ni Zaldy Co ang ikalawang bahagi ng kanyang video kaugnay sa umano’y budget insertion na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez.
Iginiit ni Co na sinabi sa kanya ni DBM Sec. Amenah Pangandaman na alam at aprubado ng pangulo ang lahat ng insertion, at masaya ang pangulo basta pasok ang mga pondong nire-request.






















