Naglabas ng pahayag si Zaldy Co sa gitna ng mga akusasyon kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Ayon sa dating kongresista, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. umano ang nag-utos sa kanya na magpasok ng P100-B halaga ng proyekto sa 2025 national budget.
Pinangalanan din niya si dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez, na umano’y nagpayong pansamantala siyang umalis ng bansa.






















