Hinimok ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na agad bumalik sa Pilipinas at makipagtulungan sa imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Nabanggit ito matapos ang alegasyon ni Co na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. umano ang nag-utos sa kanya na magpasok ng P100-B proyekto sa 2025 national budget.






















