Inaasahang maibabalik sa bansa si dating Congressman Zaldy Co matapos maaresto sa Prague, Czech Republic upang harapin ang kanyang mga kaso sa ilalim ng hurisdiksyon ng mga korte sa Pilipinas.
Ayon sa dating presidente ng Philippine Bar Association, mahalagang isiwalat at panumpaan ni Co ang lahat ng kanyang nalalaman kaugnay ng flood control investigation.





















