Kailangan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI ng whistleblowers.
Ayon kay ICI Chairperson, Retired Justice Andres Reyes, para ito sa pangangalap ng karagdagang impormasyon at ebidensya upang higit na mapalakas ang mga kaso sa mga isinasangkot sa mga maanomalyang flood control projects.






















