Hindi personal na napanood ni Vice President Sara Duterte ang confirmation of charges ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC.
Sa kabila nito, inihayag ni VP Sara ang kaniyang kagustuhang makasama at makausap ang ama habang isinasagawa ang mga proceedings subalit hindi aniya ito pinayagan.






















