Nagpaabot ng mensahe at mga paalala si Vice President Sara Duterte para sa mga nasalanta at posibleng madadaanan pa ng Bagyong Tino.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, mahalagang manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga abiso at tagubilin ng mga kinauukulang awtoridad.






















