Sa pagdiriwang ng National Heroes Day ngayong araw, kinilala ni Vice President Sara Duterte ang lahat ng mga Pilipinong nag-alay ng buhay at sakripisyo sa bansa.
Sa kaniyang mensahe, nagpasalamat ang pangalawang pangulo sa mga makabagong bayani gaya ng mga sundalo, guro, doktor, nars, frontliners at mga OFW na patuloy na nagsisilbi sa kapwa at sa bayan.